ViceRylle?!

Feb-ibig month nanaman. I'm sure marami na ang nagpaplano ng date kasama ang special loved ones nila for valentine's day. Ang mga single naman ay paniguradong hopeful ulit na merong mag-aaya sa kanila. Yung iba naman, for sure na aayain ang mga friends na mag-mall.

Dahil nga love month na ngayon, usong-uso nanaman ang salitang "loveteam", "love songs", at kung ano-ano pa na may temang pag-ibig. mapupuno ang mga mall ng heart decorations at mapupuno ang mga sinihan na ang tema ng palabas ay tungkol sa love.

Speaking of love team, di na yan bago sa atin yan. Andiyan ang KathNiel, Jadine, at isama na rin natin ang sandamakmak na korean love teams na bongga talaga kung magpakilig sa ating lahat. Pero alam niyo ba na may isang love team na sa tingin ko eh kinabog ang lahat ng love team sa buong mundo? Ito ay walang iba kundi ang "ViceRylle" love team na nabuo sa loob ng it'sSHOWTIME studio.

Marahil masasabi niyong wierd ang tambalang ito, pero believe me or not, ako mismo ay di maiwasang kiligin sa tuwing napapanoud ko sila. magtinginan pa lang sila Vice at Karylle ay napapatili na ako sa kilig. Umaapaw sa chemistry ang dalawa kaya naman hindi maiwasan na marami talaga ang ma-HOPIA sa kanilang dalawa.

Hindi ko alam kung paano nagsimula ang tambalang ito, dahil kalat na sa iba't-ibang sulok ng Pilipinas ang "ViceRylle Babies" nung madiscover ko na meron pa lang "ViceRylle". I don't know what's the exact date, pero sa tingin ko this Feb-ibig month ang third anniversary ng nasabing love team. O diba bongga. Try nyo ring subaybayan ang nakakakilig nilang mga moments, baka tulad ko ay ma-hook din kayo. :)


Comments

Popular posts from this blog

Life's In A Mess?

From Brian Redmon to Jericho Arceo: Worth Watching Youtubers

The Second Time Around